"Flip"

emo037.jpgChristopher wrote: Isang araw napagtripan ko kalikutin ang ilong ko, hindi ko alam kung bakit….(trip ko lang siguro yun dahil walang magawa) at may nakapansin sa akin sinabihan ba naman ako ng “Mukha kang Flip!” nabasag ang kahibangan ko sa pagsundot ng aking ilong at napahiya sa aking pinaggagagawa, pero masarap ang bagay na ito nakakalibang try mo!

Hindi yung ilong ko ang gusto kong pagusapan natin, kundi yung salitang “Flip”. Ano ba ibig sabihin nun? Bakit ako sinabihang mukhang Flip? May tagalog ba nito? Naglaro sa aking isipan kung ano ibig sabihin nito at ito ang natuklasan ko.

Flip: Goodlooking, Agreeable to the eye or to correct taste; having a pleasing appearance or expression; attractive; having symmetry and dignity.

(Pawang walang katotohanan po itong nasa itaas at gawa-gawa ko lang)
***
Ito po ang tunay:

Flip: to become insane, irrational, angry, or highly excited (verb: go mad, go crazy)

Flip (slang), a slang word used to refer to Filipinos (source: http://en.wikipedia.org/wiki/Flip)

Hindi ako matinong tao at inaamin ko yan at siguro alam mo din yan bago ko pa malaman. Hindi lang kahulugan ng salitang “Flip” ang natuklasan ko sa internet, maging ang salitang-ugat nito. Ito raw ay galing sa salitang Filipinos (opo tama po ang binabasa nyo!) slang language daw yung Flip for Filipinos na ang meaning eh “f****** little island people or funny little island people”. Kung isa kang pinoy at nabasa mo ang bagay na ito eh tiyak rereglahin ka! Magiinit ang ulo mo sa tao/mga tao na nagimbento ng salitang ito, at kung hindi mo mapigilan ang sarili baka makapatay ka pa ng sampung libong american cockroach! (Interesting facts: American cockroaches are the largest of the common roaches.)

Flip man ako, ikaw, tayo eh hindi ko alam. Wala akong pakialam sa opinion ng iba, may sarili akong opinion! At akin nalang yun……. Pero kung pipilitin mo ako eh sasabihin ko din naman.

Ikaw: Cge na please, ano ba opinion mo?

Ako: Pilitin mo muna ako…..

Ikaw: uhmmm… eto tatlong daan pwede na ba?

Ako: May prinsipyo ako sa buhay, pero dahil kaibigan kita cge na na nga! Hindi ka naman iba sa’kin, ilagay mo nalang sa bulsa ko…

Ikaw: ……

Ako: Bilis habang walang nakatingin.

***

Nuong Abril 20, 1999, sa Columbine High School, Colorado, USA, dalawang estudyante ang pumatay sa labing dalawang kapwa nila istudyante at isang guro, habang dalawamput apat naman ang sugatan, matapos ang pangyayari agad nilang sinunod ang kanilang sariling buhay. Gamit ng dalawa ang sawed-off shotgun, 9mm Hi-point carbine, 9mm TEC-9 semi-automatic pistol at ibat-ibang pang pampasabog!

Pero may mas matindi pa dyan, si Andrew Kehoe school board member ng Bath Consolidated School. Matapos patayin ang sariling asawa at sunugin ang kanilang bukirin eh sinunod ang iskuwelahang pinapasukan, sunod-sunod na pagsabog at kumitil ng 48 katao. Karamihan ay istudyanteng nasa ikalawa at ikaanim na baytang ng nasabing eskuwelahan.

Yan ang FLIP!

Flip: to become insane, irrational, angry, or highly excited (verb: go mad, go crazy)

Flip (Slang): a slang word used to refer to ______ (kaw na bahala maglagay, labas nako dyan)

Find more like this: Essay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

  • Kennedy to Sotto: ‘This is a clear case of plagiarism’
  • Philippines, Canada boost defense ties
  • Lift ban on 6 noodle products, Korean Embassy asks PHL govt
  • Pinoys pick Obama in PHL mock elections
  • ‘Operation Smile’ to treat Pinoy kids with cleft lip, palate
  • Page 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7

    Entertainment

  • ‘Even Marcos could not ban firecrackers’
  • 'Ber’ months on, countdown starts
  • With The Opening Maharlika, A Filipino Food Resurgence
  • Samantha Sotto’s journey before Ever After
  • The great English language shift
  • MORE...

    Features

  • ‘CJ has ill-gotten wealth’
  • Singson gets 18 months, to quit House; family in tears
  • Madrigal: There’s proof Nograles brod got P14M in ‘swine scam’
  • MORE...

    Tourism

  • Aquino / Cojuangco
  • 16 dead as Typhoon Pedring strikes Philippines
  • The Learning
  • ‘This is the Philippines’
  • Blasphemy
  • MORE...

    Sports

  • Pinoys pick Obama in PHL mock elections
  • Ram’s mom to Bong Revilla: Keep politics out of murder case
  • Priest turns Pacquiao homecoming into anti-RH bill rally
  • Humiliation by Trillanes triggered suicide, says ex-PMA head
  • Despondent
  • MORE...

    OFW News

  • 150,000 Pinoy nurses in Saudi may lose jobs
  • UP Manila grad leads 37,513 passers of July 2011 nursing exam
  • US bill changes visa requirements for foreign nurses
  • Nurses join 5-day strike in protest over healthcare fees
  • RP nurses seeking US jobs number 15,000 in first 9 months of ’08
  • MORE...

    Environment

  • Departures
  • ‘OFW-friendly’ countries
  • 150,000 Pinoy nurses in Saudi may lose jobs
  • Filipina fights HK rule denying permanent residence to domestics
  • Migrants in United Arab Emirates Get Stuck in Web of Debt
  • MORE...

    Pinoy Places
    and Faces