Pagibig sa Magkabilang Daigdig

iwit999239823498.jpg
“Love knows no boundaries.” – Ito marahil ang pinaniniwalaan ng mga Pilipinang nakatagpo ng kasintahang dayuhan.

Kasabay ng paglago ng teknolohiya sa ating bansa ang pagtaas din ng bilang ng mga babaeng nakahahanap ng mapapangasawang dayuhan sa internet. Dahil sa biglang pagdami ng mga “interracial couples,” kinakailangan na nilang dumaan sa “Seminar for Filipino Fiancees and Spouses to Foreign Nationals” na ipinatutupad ng Commission for Filipinos Overseas. Pinakamarami sa mga nagseseminar ang nagpapakasal sa Hapon at Amerikano.

Sa unang dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo para sa taong 2008, makikilala natin ang mga Pinay na nakatagpo ng kasintahang dayuhan sa internet. Masusundan ang mahabang proseso ng kanilang pagkakakilala, pagkasal at paghanda ng papeles para mangibang-bayan.

Si Malou, isang trenta uno anyos na dalaga mula sa Quezon, unang beses makikita ang kanyang Amerikanong boyfriend na si Bob. Isang taon na sila nag-uusap sa chat at email. Ang pagkikita ng dalawa ang siya ring pamamaalam ni Malou sa pamilya. Handa na raw talikuran ni Malou ang buhay sa Pilipinas upang maging bahagi ng buhay ni Bob, na isang magsasaka at truck mechanic sa Amerika.

Si Maribel, first time ding makikita ng harapan ang kanyang fiancée na si Mike. Nakilala rin niya ang Amerikanong navy man sa pamamagitan ng internet. Lumalim ang relasyon sa pagchat gamit ang webcam at mga tawag sa telepono. Inaasikaso na ni Mike ang mga papeles para sa fiancé visa ni Maribel.

Pero alam ba talaga ng mga babaeng ito ang kanilang pinapasok? Maaari ba talagang magmahal ng taong di mo pa nakikilala sa personal?

Panoorin ang nakakikilig at minsa’y nakapagtatakang mga kuwento ng “Pag-ibig sa Magkabilang Daigdig” sa i-Witness.

Part 1/4

Part 2/4

Part 3/4

Part 4/4

Find more like this: Videos

14 Responses to Pagibig sa Magkabilang Daigdig

  • Pingback: Pagibig sa Magkabilang Daigdig | Philippines Newspaper - All About Philippines News

  • Anonymous says:

    you do not know what are you getting into, wala kang ka alam-alam kung sino ang pakakasalan mo nor his back ground basta magarating ka lang sa america ok na. hindi madali dito lalo na if you don’t have any ralatives near you pag naka problema ka kanino ka tatakbo. hindi mo nga alam ang sasamaham ay psycho. lalo na sa internet mo lang nakilala, mahirap na.

  • Richelle says:

    Kaya nga nakakalungkot na kahit sa mga ganyang di kasiguraduhan ay maluwag na yayakapin ng ating mga dalaga ang ganyang sitwasyon makalikas lang sa kahirapan. At least nga naman meron ‘chance’ at worth it sa kanila na makipag sugal ng buhay.

    I’d like to think na sana mas marami ang maganda ang kinalabasan kesa sa hindi.

  • Jojo says:

    Siguo ang kailangan gawin ng gobyerno ng Pilipinas ay masusig subaybayan ang mga Filipinang ito and check on them every once in a while.

    The Philippine Consulates should be notified of these new immigrants in their jurisdiction and make sure that they are well and not being abused.

  • sweet says:

    Basta naintindihan naman natin na ang mga rason ng mga Pinay na makapag-asawa nga Kano ay hindi lang naman dahil sa kahirapan. I can speak for myself having married to an american through the internet.I did not marry him for money because I had a good job in the Phil kung tutuusin. I just wanted to grow old with someone with me and its God’s blessing that I met a man who is so wonderful. Wala akong masabi maski 1 year pa lang kaming kasal. Mas madalas pa nga ako ang may problema kaysa sa kanya. So, there are happy stories here. I am not trying to encourage other Pinays but if you really want it, you have to pray and ask for the right man.

  • Anonymous says:

    I know a pinay, she came here in the states recently what i’ve heard was taga laba, taga luto in short alila siya, her husband is african-american. anong ipapadala niya diyan sa pinas if you are not working but just a plain housewife….i grew-up here marami akong narinig or sari-sari kwenton ng mga pinay na got married with foreigners that didn’t turned-out good and i feel bad about it. so pls….think not only twice buhay mo ang sinusugal mo.

  • joy911 says:

    I am now 5 years married to American. There are ups and downs, which is normal in married life. And there are many times that I’ve said to myself, “God, thank you for what you’ve done and for what you’ve given me”! I’m a LUCKY girl! There is something about this man that I’m always proud to say that he is the man of my life. He is a GOOD MAN!

    I always feel like saying, “He’s not American, he is my husband.”

  • VIP says:

    anu ung title nung tagalog na song
    pls reply me in my friendster pls
    jemzhie@yahoo.com

  • honeyed says:

    Naku, mas marami pa rin ang alam ko na malungkot ang buhay na nakapag-asawa ng amerkano. Maski may times na mabait sila, mas masama pa rin sila kaysa Pinoy. Kung di man sila physically abusive, verbally abusive sila, mahigpit sa pera, laging takot malamangan at mababa ang tingin sa mga Filipino. Kaya pag may pinay na magsabi na ihanap ko sila ng mapangasawa, sabi ko, huwag na, di bale na tumanda sila mag-isa kaysa may-asawa pero iiyak naman sila. Mas mabuti pa mag-isa. Akala lang nila liligaya sila kung may-asawa silang kano. Meron naman seguro pero baka 1 out of 50…..

  • Donna says:

    Just like to share my point. There is really a luck within your self and into a relationship if you always try to ur self to be a good person . Everything has its return. If there is only doubt within your self about it then you can really figure out what future will be to you.

    many of us think very general to each race. Bakit pag sinabing foreigner meron agad suspicions, bakit pag sinabing Filipina ka meron din agad suspicions? I mean, can we really judge one very deeply by this means? Yes I know there is a lot of experiences marrying a foreign man with monetary reasons, and that hurts me so much. Gaya nga ng sabi ko, babalik din ito sayo – baka hindi karin mahalin ng taong kasama mo as what you are, as a beloved behalf.

    There would come a time when u have enter a relationship whatever it be, the same race or interacial some, if its for real, each of you can find the uniqueness of each, each of you can distinguish each self from the rest. Somewhere, Someday, if you become a good person, God will reserve someone like these to you. Do not lose hope and faith to God and to your love ones.

  • anonymous says:

    Halos Lahat nating mga pilipino ay naghahangad ng magandang buhay hindi lang para sa ating sarili kundi pati na sa ating mga pamily.naghangad ako ng magandang buhay,ang akala ko naman ang pag-aasawa nang dayuhan ang magiging solusyon,pero mali pala.Edukasyon ang pinakamabisang solusyon sa gusto mong asenso sa buhay.Pilinas at hindi Amerika ang ang tunay na kasayahan.nag-asawa ako ng kano dahil akala ko matutupad ko ang hangaring matulungan ang kahirapan ng aking pamilya.hindi ko kinikilala ng lubusan ang taong pang habang buhay kong gusto sanang makasama.pero nagkamali ako ng akala dapat pala kinilala ko muna ng lubusan bago ako sumuong sa hamon ng pakikibaka.ngayon narito na ako sa amerika nagsisi man ko huli na.

  • shei says:

    too lahat ng sinabi nyo!bago lang ako dito sa america akala ko sarap ng buhay dito,hindi pala!yong pira mong pinagtrabahoan tinitiis mo yang para lang maka padala ka sa ating pamilya,hindi nila alam ma luha at pagod ang pinuhunan mo dyan!magpadala ka sa pinay ang dali mang-maobos,akala nila dito ka nga sa US mayaman kana kasi dolyar yong sahod mo,pero life must go on bali nandito na tayo,tiisin nalang natin,good luck sa atin.

  • Chie says:

    sana kung mag-aasawa tayo ng foreigner hindi para matupad ang mga pangarap natin na umahon sa kahirapan. Kundi dahil mahal natin sila bilang individual. Kung laging yun ang iisipin natin, pano magiging genuine ang isang relationship na sa una pa lang ay mali na ang dahilan.

    At isa pa kahit nasa Pilipinas ka rin, maaari ka ding makatagpo ng isang lalaking aabusihin ka,bubugbugin ka, lolokohin ka.

    may mga ibang Pilipina na pinili ang foreigner bilang asawa hindi dahil sa pera kundi dahil naramdaman nila ang pagmamahal na hinahanap nila na hindi naibigay ng kani-kanilang past relationship.

  • Ry says:

    Tama ba ang magiging desisyon ku na mag asawa ng amerikano,nag aasikaso na kami ng Visa ko…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

  • Kennedy to Sotto: ‘This is a clear case of plagiarism’
  • Philippines, Canada boost defense ties
  • Lift ban on 6 noodle products, Korean Embassy asks PHL govt
  • Pinoys pick Obama in PHL mock elections
  • ‘Operation Smile’ to treat Pinoy kids with cleft lip, palate
  • Page 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7

    Entertainment

  • ‘Even Marcos could not ban firecrackers’
  • 'Ber’ months on, countdown starts
  • With The Opening Maharlika, A Filipino Food Resurgence
  • Samantha Sotto’s journey before Ever After
  • The great English language shift
  • MORE...

    Features

  • ‘CJ has ill-gotten wealth’
  • Singson gets 18 months, to quit House; family in tears
  • Madrigal: There’s proof Nograles brod got P14M in ‘swine scam’
  • MORE...

    Tourism

  • Aquino / Cojuangco
  • 16 dead as Typhoon Pedring strikes Philippines
  • The Learning
  • ‘This is the Philippines’
  • Blasphemy
  • MORE...

    Sports

  • Pinoys pick Obama in PHL mock elections
  • Ram’s mom to Bong Revilla: Keep politics out of murder case
  • Priest turns Pacquiao homecoming into anti-RH bill rally
  • Humiliation by Trillanes triggered suicide, says ex-PMA head
  • Despondent
  • MORE...

    OFW News

  • 150,000 Pinoy nurses in Saudi may lose jobs
  • UP Manila grad leads 37,513 passers of July 2011 nursing exam
  • US bill changes visa requirements for foreign nurses
  • Nurses join 5-day strike in protest over healthcare fees
  • RP nurses seeking US jobs number 15,000 in first 9 months of ’08
  • MORE...

    Environment

  • Departures
  • ‘OFW-friendly’ countries
  • 150,000 Pinoy nurses in Saudi may lose jobs
  • Filipina fights HK rule denying permanent residence to domestics
  • Migrants in United Arab Emirates Get Stuck in Web of Debt
  • MORE...

    Pinoy Places
    and Faces